Thursday, March 08, 2007

Dating NPA Pinatay Ng Sariling Kasamahan!

MANILA (Mindanao Examiner / 08 Mar) – Patay ang isang sumukong miyembro ng New People's Army (NPA) matapos likidahin ng kapwa mga komunista sa lalawigan ng Surigao del Sur kagabi.

Sa ulat na nakarating kaninang umaga sa Kampo Aguinaldo ay nakilala ang dating gerilya na si Ronnie Salahay Tagonsulod, 29 anyos at residente ng Carmata, San Miguel sa nasabing lalawigan. Isinakatuparan ang pagpapatumba sa biktimang rebelde sa bisinidad ng Purok 5 malapit sa Barangay Sigao.

Limang tama ng bala ng baril ang tinamo ni Tagonsulod sa ibat-ibang bahagi ng katawan at tinatayang apat na gerilya ang pumaslang sa biktima. Naging aktibo sa NPA si Tagonsulod noong 2000 hanggang 2002 ngunit lumisan sa kilusan dahil sa karamdaman.

Naniniwala ang mga kaanak ng dating komunista na pinagdudahan si Tagonsulod na nagbibigay ng mga impormasyon sa awtoridad kung kayat pinatay ito. (Juley Reyes)

No comments: