QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 14 Mar) – Aabot diumano sa hanggang dalawampung opisyal ng militar na nadadawit sa bigong mutiny noong Hulyo 2003 ang nagpahayag ng kahandaang umaming guilty kapalit ng mas mababang parusa.
Nabatid kanina kay military prosecutor Colonel Pedro Davila na nagdesisyon ang naturang Oakwood mutineers buhat sa kabuuang 59 akusado na baguhin ang kanilang not guilty plea na inihain nito noon sa pagsisimula ng General Court Martial hinggil sa kanilang paglabag sa Articles of War.
Binanggit pa ni Davila na may iba pang 40 opisyal ang seryosong ikinukonsidera ang pagpasok sa plea bargaining agreement ngunit hindi pa maisapinal dahil na rin sa pagkakahiwalay ng detensyon ng mga ito at nahihirapan na makabuo ng united consensus.
Ilang sa kondisyon sa plea bargaining agreement ay ang karagdagang 10 buwan sa panahon ng ipapataw na pagkakakulong o nasilbihang pagkakapiit.
Tuloy pa rin ang pagtanggap ng sweldo ng mga akusado hanggat hindi naisasapinal ang hatol ng ito at hindi pa rin napagpapasyahan kung honorable o dishonorable ang pagkakadismis sa serbisyon ng junior officers.
Ayaw naman kagatin ni Davila ang posibilidad na magkaroon ng win-win solution sa plea bargaining agreement na aniya'y seryoso ang paglabag na isinagawa ng Oakwood mutineers na dapat mapanagot.
"There is no win-win solution because these accused have committed a serious offense and they have to face the consequences of their actions. Military justice is harsh; it has been designed to be harsh by the lawmakers and we will implement it as strictly as possible, so win-win, that does not seem to be forthcoming, somebody has to face the consequence of what has happened," ani Davila. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment