Tuesday, June 19, 2007

German Journalist, Nagsagawa Ng Peace Seminar Sa Bansa

BACOLOD (Mindanao Examiner / 19 Jun) – Muling naglunsad na naman ng peace journalism seminar sa mga Pinoy reporters ang tanyag na German video-journalist na si Antonia Koop.

Si Koop ang pinuno at isa sa mga founder ng international organization na PECOJON o Peace and Conflict Journalism Network na ang layunin ay makatulong sa mga mamamahayag sa buong mundo sa responsableng paguulat.

Sa Cebu isinagawa ang tatlong araw na seminar na dinaluhan ng ilang dosenang reporters mula sa Mindanao, Visayas at Luzon. Libre ang seminar dahil suportado rin ito ng InWent, isang malaking organisasyon sa Germany.

Huling nagsagawa ng seminar sa Zamboanga City si Koop nitong taon lamang sa kabila ng travel advisory ng mga ibat-ibang embahada sa bansa.Matagal na nag-cover si Koop sa magulong bansa ng Israel at Palestinian. (Mindanao Examiner)

No comments: