ZAMBOANGA CITY (Juan Magtanggol / 26 Peb) Tinitiktikan umano ng mga military intelligence agents ng Southern Command ang hanay ng mga media sa Zamboanga at Mindanao at isinasailalim ang mga ito sa background investigation.
Hindi naman agad mabatid ang dahilan ng pagtitiktik sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Southern Command, subali't kinumpirma ito ng isang opisyal at pinag-iingat ang mga miyembro ng media.
Walang gustong umamin sa panig ng militar kung bakit pati ang mga miyembro ng Southern Command Defense Press Corps ay inilagay sa masusing pagmamasid, subali't ayon sa ibang mga sources ay nababahala ang ilang mga opisyal sa mga umano'y negatibong balita na lumalabas.
Kinondena ito ng ilang mga miyembro ng media matapos na malaman ang paniniktik sa kanila at nagbabanta ang iba na bobyokotin ang Southcom at isusulat ang lahat ng mga negatibong balita na may kinalaman sa militar.
Ang iba naman ay nagpaplanong idulog kay Southern Command chief Maj. Gen. Gabriel Habacon at Armed Forces chief of staff Gen. Generoso Senga at Army chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon ang kawalan ng respeto ng intelligence sa media at ang mistulang pagyurak nito sa malayang pamamahayag.
Noon ay na-eskandalo rin ang Southern Command matapos na ilagay sa paniniktik ng U2 (intelligence unit) ang media sa Zamboanga ng pilit na pinalalagda ang mga manunulat sa bio-data at pagsusumite ng kanilang litrato, ngunit pinagalitan ni Gen. Narciso Abaya ang mga nasa likod nito ng mabatid sa media ang naganap.

No comments:
Post a Comment