Monday, December 18, 2006

Sulu, Gagawin Peace Zone


Bakas sa mukha ng sundalong ito ang lungkot. Mahirap ang malayo sa sariling pamilya ngunit ang sinumpaang tungkulin sa bayan ang nasa dibdib pa rin ng bawat isang sundalong nakikipaglaban sa terorismo para sa kaligtasan ng mga mamamayan. (Larawan ng pahayagang Mindanao Examiner)

JOLO (Mindanao Examiner / 18 Dec) – Isinusulong ngayon ng pamahalaan at militar ang development ng magulong lalawigan ng Sulu, partikular sa mga dating kampo ng Moro National Liberation Front.

Sinabi kahapon ni Brig. Gen. Mohamad Dolorfino na gagawin peace community ang mga nasabing lugar sa ibat-ibang bahagi ng Sulu upang makatulong rin sa mga dating rebelde.

“Ito ang pinagkakaabalahan ng pamahalaan at ng Armed Forces, ang maitaguyod ang kapayapaan sa Sulu. Gagawin natin peace zone ang mga dating kampo ng MNLF,” ani Dolorfino.

Si Dolorfino rin ang nakikipagusap sa MNLF sa tuwing may labanan sa Sulu.

Kamakailan lamang ay sinamahan nito si Nur Misuari, ang pinuno ng MNLF, ng ito’y magparehistro sa Sulu. Balak umanong tumakbo ni Misuari sa lalawigan bilang gobernador.

Hindi naman sinabi ni Dolorfino ang mga lugar na balak gawing peace community ng pamahalaan. (Mindanao Examiner)

2 comments:

Anonymous said...

looking forward for this development.

Anonymous said...

It would be pretty good