Monday, February 19, 2007

2 Parak Patay Sa NPA Ambush Sa Mindoro

MINDORO OCCIDENTAL (Mindanao Examiner / 19 Feb) - Dalawang miyembro ng Philippine National Police sa Mindoro Occidental ang napatay habang isa rin ang sugatan sa pakikipagbakbakan sa mga miyembro diumano ng New People’s Army (NPA) kamakalawa.

Nabatid kay Southern Luzon Command (SOLCOM) chief, Lieutenant General Alexander Yano, na dakong alas-10 ng umaga nang tambangan ang pulisya ng tinatayang 20 rebelde sa Sitio Cavillan, Barangay Nasukob sa nasabing lalawigan.

Nakilala ang sugatan na si PO2 Dennis Gagan at natangayan ang pulisya ng isang M16 rifle. Nagpadala ng karagdagang tropa ng mga sundalo ang 80th Infantry Battalion ng Philippine Army at narekober ang hand grenade, detonating device para sa eksplosibo at mga basyo ng 40mm ng M203.

Nauna nang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng NPA ang dalawang construction equipment ng isang negosyante sa Bulalacao, Oriental Mindoro kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Army Lt. Col. Rhoderick Parayno, tagapagsalita ng Armed Forces Southern Luzon Command (Solcom), na dakong alas-11:45 ng gabi ng salakayin ng tinatayang 10 rebelde ang isang contruction site at sunugin ang isang payloader at mixer na gamit sa road construction sa Sitio Tambangan, San Juan village sa naturang lalawigan.

Pinamumunuan umano ng isang Commander Jep at Ka Insay ang grupo ng mga rebelde. Wala namang naiulat na sugatan sa pananabotahe. Nagpadala na ng panibagong tropa ng 204th Brigade ng Philippine Army upang tugisin ang mga umatakeng komunista.

”The arson is a desperate move of the rebels due to the success of the military in the province,” hirit ni Parayno. Kalimitang sinusunog ng mga gerilya ang pasilidad o tahanan ng mga binibiktimang negosyante o kumpyansa dahil sa kabiguang magbigay ng revolutionary tax. (Juley Reyes)

1 comment:

Anonymous said...

Obviously, they are just after the blood money. You can be a great help to the society without weapons, and extortions. But they do not, their intentions are different which is to fatten their pockets.