CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / 27 Feb) - NAHAHARAP sa posibilidad na mapatawan ng parusa si opposition reelectionist Senator Manny Villar matapos itong kasuhan ng Comission on Elections sa Northern Mindanao dahil sa umano’y nagkalat nitong posters at streamers sa mga lugar na hindi designadong poster areas.
Ayon kay Cagayan de Oro Comelec officer Atty. Stalin Baguio ay ipinadala na nila sa tanggapan ni Comelec chairman Benjamin Abalos ang mga ebidensiya laban kay Villar.
Bukod kay Villar kinasuhan din ng comelec nang parehong kaso ang party list group na Anak Mindanao. Ngunit karamihan sa mga naglalagay ng posters ng mga pulitiko ay mga bayaran rin. Kinuwestyon rin ng iba ang pagpapatupad nito dahil pede itong gamitin upang mana-botahe ng mga kalaban sa halalan.
Para hindi mahirapan ang Comelec sa pagpapatupad ng batas sa eleksiyon humingi na ito ng tulong sa Department of Interior and Local Government para magamit ang mga barangay kapaitan sa pagpapatupad ng Fair Elections Act. (Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment