MANILA (Mindanao Examiner / 23 Feb) - ISANG malaking kasinungalingan at kabaklaan umano ang ipinalabas na ulat ng Melo Commission hinggil sa mga insidente ng extrajudicial killings sa bansa.
Ito ang inihayag ni dating Army Major General Jovito Palparan na inaakusahang sa naturang ulat na responsable sa mga pagpaslang sa militanteng miyembro at lider noong aktibo pa sa militar.
"Bakla nga yung kanilang conclusion, may be held responsible, may be, so paano paniniwalan yun, e dahil nga wala silang basis at dinistort nila pa yung aking mga statement, yung mga nangyari, namisinterpret o kaya'y reinvented," ani Palparan.
Iginigiit pa ni Palparan na hindi ginawa ng Melo Commission ang kanilang totoong trabaho dahil sa kabiguang makapagpalabas ng mas may kredibilidad na resulta. "Hindi sila nagtatrabaho e, ako lang tinrabaho nila. They did not dig deeper sa mga nangyari so their output therefore is a tingin ko ay haosiao or it is only a reecho of the enemy's propaganda.
Samantala, inamin ni Palparan na hanggang pananakot lang at hindi pagpatay ang ginagawa nito sa mga tagasuporta ng komunistang grupo bilang bahagi ng tinatawag na "psychological warfare."
"To tell you the truth, I was just scaring them, these people who are being used by the NPA. It's just right that these people are scared to stop the wrong that they are doing. That's the coercive power of the state," ayon kay Palparan.
"Instead of killing them, why not scare them from supporting [communist rebels], staging atrocities, spying. Which is better killing them or scaring them?" dagdag nito.
Hindi naman masisi ng retiradong heneral si UN Special Rapporteur Philip Alston sa opinyon nito dahil hindi nagawang makapag-imbestiga sa loob ng 10 araw na pananatili sa Pilipinas.
Pumalag naman si Palparan sa banat ni Alston na nagbulag-bulagan ang liderato ng AFP at military commanders para ipatigil ang political killings.
"The military's response was not lacking. The information [against soldiers] was not enough for us to act properly. Those allegedly involved ware investigated and sent to jail, and were dismissed, so how can we remiss of our responsibility?" pahayag pa ng dating heneral. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment