Tuesday, February 27, 2007

OPINION

VOTE WISELY By Chris Navarra

Vote wisely is a decade old rallying cry whenever election time approaches. But come to think of this…how many do you think cares about this?

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga kamalian nitong mga nakaraan eleksyon. Ang masaklap pa nga ay baka bahagi tayo ng mga kamalian sa paglalagak ng mga karapat-dapat na tao upang maglingkod sa gobyerno.

Saksi tayo sa magkakasunod na mga rali at panawagan upang patalsikin si ganito, tutulan ang ganyan, ibagsak ang ganoon at iba pang sentimyentong nagpapakita ng pagkadismaya sa gobyerno sa kabuuan. Ang lahat ng ito ay nag-uugat sa eleksyon.

Isinasaad ng ating saligang batas ang karapatan ng bawat Pilipino sa malayang pagboto. Pinagtitibay din ito ng Universal Declaration of Human Rights Article 21 “Everyone has the right to take part in the government of his country, directly or through freely chosen representatives.” Saad pa rito na “ The will of the people shall be the basis of the authority of the government.” Ibig sabihin, kung ano ang mga hakbangin ng gobyerno ay repleksyon ng ating nais na mangyari sa ating bayan.

Anong punto? Simple lang nagpapakita tayo ng pagkadismaya sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bayan at isinisisi natin ito sa gobyerno ngunit naisip ba nating ang boto natin ang nagbigay sa kanila ng kapangyarihang maupo sa gobyerno?

In 2 months time, eleksyon na naman. Pipili uli tayo ng labindalawang senador, gobernador at lokal na mga opisyal sa ating mga munisipalidad. So I believe it’s proper for us to come up with certain guidelines to avoid making the same mistakes again. History should not repeat itself this time.

Ngunit paano nga ba tayo pipili ng mauupo sa gobyerno? Ano ba ang maaari nating maging basehan upang mapili ang karapat-dapat na maupo sa posisyon?

Ngunit bago natin sagutin ang mga ito, dapat muna nating malaman kung ano ba ang hinahanap natin sa isang kandidato. The first step in choosing a candidate is for you to decide what particular issues you are concern about and what qualities you do want in a leader. Are you looking for a leader who is intelligent, famous, honest and credible, or just someone who has the ability to communicate?

Alamin din natin kung sino-sino ba ang mga tatakbong kandidato at ang partidong kanilang kinabibilangan. Maaaring meron nito sa peryodiko, telebisyon, radyo o kahit magasins. Makabubuting gumawa tayo ng listahan ng mga pangalan ng mga ito.

Magiging epektibo rin kung tayo ay magkaroon ng mga materyales na may mga write-ups patungkol sa mga tumatakbong kandidato upang pag-aralan. Maaari nating makuha mga ito sa mga peryodiko at internet. Suriin din natin ang kanilang mga TV ad upang magkaroon tayo ng ideya sa kanilang mga isusulong na reporma at programa sakaling manalo.

Suriin din natin ang posisyon ng mga ito sa kasalukuyang mga isyu o pangunahing problema ng bansa o lokal. We should go for candidates na may malinaw na plataporma at solusyon sa isyu ng edukasyon, kalusugan, benepisyo, sahod at iba pa na direktang nakakaapekto sa ating lahat.

Araling mabuti ang track record ng mga tumatakbong kandidato. Hindi kailanman dapat maging batayan ang pagiging artista o sikat upang makuha ang ating boto. Kung ito naman ay re-eleksyonsta o iyong nakaupo na at kakandidato muli,balikan natin ang mga pangakong binitiwan nito noong nakaraan at paglaanan natin ng oras na aralin kung ang mga ito ba ay kanyang nagawa o natupad. Sa ganitong paraan,nakakapili tayong kandidatong hindi puro salita at pangako lamang.

Piliin natin iyong hindi aabuso sa kanyang kapangyarihan. Iyong hindi gagamitin ang posisyon para sa kanyang sariling interes o ganansya. Meron kasing iba na tumatakbo lamang upang protektahan muna ang negosyo o negosyo ng angkan bago protektahan ang iba. Ibang isyu rin siyempre iyong gumagamit ng posisyon upang makapaghiganti sa iba. Lalo pa nga at talamak ang mga political killings sa bansa.

Let us also try to look for a candidate who gets priorities straight… one who is sensitive of the people’s need and those who won’t waste OUR money. Those candidates who have better judgment when it comes to spending priorities should be a plus. Iyong ibinabalik sa taong bayan ang buwis na binabayad nito at hindi sa pambayad utang ng bansa na hindi naman pinakinabangan ng mga mamamayan. Dapat ding maging prayoridad ng mga ito ang edukasyon na siyang isinasaad ng saligang batas.

As soon as we are able to accomplish all of these, there is definitely no doubt we can now make the right decision in choosing deserving candidates.

Pero hindi nagtatapos sa simpleng pagboto ang tungkulin natin bilang mamamayan. Dapat pa rin tayong maging mapagbantay sa lahat ng desisyon at hakbangin ng mga binoto nating kandidato. Hindi tayo dapat mangiming magrehistro ng mga hindi natin nagugustuhan sa kanilang pamamalakad lalo pa’t tayo ang direktang naapektuhan nito. Di ba sabi nga, “the will of the people shall be the basis of the authority of the government?” Ibig sabihin, tayong mga mamamayan ang dapat na magtakda kung ano ang gusto nating mangyari.

Elections present people with vital choices. Whether it’s a local race that will affect your community or a national race that could change the direction of the country, it is about time you consider the issues you care about.

In these trying times, the will of the majority of the people should take a valiant stand in this coming election. Ang ating kinabukasan ay nasa sarili nating mga kamay. Huwag nating hayaang agawin ito sa atin ng mga ganid at bogus na lider. Remain vigilant as we again face the danger of being ruled by the numbers.

No comments: