SOUTH COTABATO (Mindanao Examiner / 17 Mar) – Tinadtad hanggang mapatay ng isang lalaki ang sariling asawa matapos na umano’y magtalo dahil sa matinding selos sa babae sa bayan ng T’boli nitong lalawigan.
Sinabi ng pulisya na walang pinatay ang babae at matapos ng krimen ay agad naman tumakas ang suspek. Naganap ang pamamaslang kamakalawa ng hapon sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Kimatu.
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na matindi umano ang pagseselos ng 49-anyos na lalaki sa asawa nito kung kaya’t nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan.
Sa puntong iyon ay agad na kumuha ng gulok ang suspek at walang habas na pinagtataga ang asawa sa kabila ng pagmamakaawa nito. Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek. (Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment