DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 03 Mar) - DUMULOG sa pulisya ang isang ina upang humingi ng saklolo matapos umanong tangayin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) ang kanyang 19-anyos na babaeng anak sa distrito ng Toril sa Davao City.
Ayon sa pulisya ay dinukot umano ng mga armado si Maryrose Degamon noong Miyerkoles sa kasagsagan ng operasyon ng militar sa Barangay Tagurano.
Ginamit umanong pananggalang ang babae habang tumatakas ang mga rebelde, salaysay ng inang si Rosalinda Degamon. Tinutukan umano ng baril ng ang rebelde ang mag-ina at saka sapilitang tinangay ang babae, dagdag pa ng pulisya.
Umapela naman ang nagmamaka-awang ina sa mga rebelde na palayain na ang kanyang anak. Hindi naman makunan agad ng pahayag ang NPA o ang tagapagsalita ng rebeldeng grupo sa Davao ukol sa alegasyon.
Kilalang baluarte ng NPA ang ilang liblib na barangay sa Davao City. (Romy Bwaga)
1 comment:
Hope for the safe release of the girl. She is not involve at all. Not any bystanders must be involve in this undertaking.
Post a Comment