MANILA (Mindanao Examiner / 23 Mar) – Mas may ngipin na ngayon ang militar sa giyera sa mga terorista sa Mindanao kasunod ng paglilipat sa posisyon ni Marine Brigadier General Juancho Sabban.
Binigyang-diin ni Sabban na taliwas sa sinasabing demotion sa kanyang tutunguhing puwesto bilang deputy commander ng Western Mindanao Command (WesMinCom), mas magiging malawak ang kanyang magagawa sa operasyon laban sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah.
"My new job is higher than a brigade commander since my area of operation will cover not only Sulu but the whole of Western Mindanao," ani Sabban.
Sinabi pa ng heneral na sapat na ang dalawang taon nito bilang brigade commander at ang mga naunang accomplishment para pulbusin ang mga kalaban ng estado upang patunayang karapat-dapat sa promosyon.
Nilinaw rin ni Sabban na walang kinalaman sa nangyaring mis-encounter sa Talipao, Sulu na ikinasawi ng 9 na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang paglilipat sa kanyang tungkulin."It has nothing to do with the MNLF issue.
It even strengthened our position and proved that the encounter mentioned was a legitimate encounter as proven by fact finding committees tasked to investigate the incident," diin ni SAbban. (Juley Reyes)
1 comment:
TGhanks Julie for your correction. You can call me anytime to clarify issues. Cellphone # 09178816346.
Bgen Juancho Sabban
Post a Comment