Wednesday, March 14, 2007

Globe Telecom, Binanatan Sa Masbate!

MANILA (Mindanao Examiner / 14 Mar) – Sinunog kanina ng mga hinihinalang rebelde ang dalawang communication site ng Globe Telecom sa lalawigan ng Masbate.

Sa ulat na ibinigay sa Mindanao Examiner ng Kampo Aguinaldo ay nabatid na dakong alas-2 ng madaling araw nang isabotahe ng New People's Army (NPA) ang outdoor cabin ng Globe sa Purok Acacia sa bayan ng Malinta.

Sinundan pa ito ng panibagong pagsalakay bandang alas-3 ng madalingaraw sa transmitter ng Globe sa Sitio Dungon, Barangay Crossing sa katabing bayan naman ng Uson.

Maliit na pinsala lamang ang tinamo ng panununog ng NPA sa naturang mga lugar.Gumamit ang mga komunista ng M16 rifles upang isakatuparan ang panghaharas sa kumpanya.

Ang kabiguan diumano ng Globe Telecom na magbigay ng revolutionary taxes sa NPA ang nakikitang dahilan ng pananabotahe, giit ng militar. (Juley Reyes)

No comments: