GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / 12 Mar) – Patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa habang nakikipaglamay sa isang kamapamilya sa General Santos City sa Mindanao.
Daalwang iba pa ang sugatan sa pamamaril na naganap sa Barangay Conel nuong Linggo. Hindi na umabot sa pagamutan ang 42-anyos na si Reynaldo Solaiman dahil sa tinamong butas ng balas sa bungo.
Hindi naman mabatid kung sino ang nasa likod ng atake at ano ang motibo sa pagpatay. Nakikilamay lamang umano si Solaiman ng ito’y atakihin ng isang lalaki na mabilis tumakas sakay ang motorsiklo.
Tubong-Polomolok sa South Cotabato ang biktima, ayon sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
Nakilala naman ang mga sugatan na sina Allan Amban, 19 at Marquil LLantes, 16, matapos na tamaan ng ligaw na bala. (Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment