Friday, March 23, 2007

METRO MANILA, TARGET PAMUGARAN NG NPA

MANILA (Mindanao Examiner / 23 Mar) – Tinatangka ng rebeldeng New People's Army (NPA) na pamugaran ang kalakhang Maynila bunsod na rin diumano ng paghina ng puwersa nito sa mga lalawigan.

Nabatid kay Army Chief Lieutenant General Romeo Tolentino na may mga intelligence information itong nagbabalak ang mga komunista na magpalakas ng kanilang puwersa at hit squad sa Metro Manila.

"We have intelligence reports that the enemy of the state is trying again to have a foothold here in Metro Manila. Like in the past, the sparrow unit, we do not want that to happen," ani Tolentino.

"We're saying that an ounce of prevention is better than a pound of cure. We are preventing the NPA with us going there (mahihirap na komunidad),"dagdag ng heneral.

May mga nauna nang sparrow units ang naitatag ang NPA sa ilang syudad tulad ng Cebu City at Davao City.

Gayunman, nilinaw ni Tolentino na maliit pa lamang ang porsyento ng posibilidad na mapasok ng mga rebelde ang National Capital Region.

"It's still low. The rebels are just making their presence felt," ayon pa sa Army chief.

Kasabay nito, sinabi ni Tolentino na hindi sapat ang puwersa ng Philippine National Police upang tiyakin ang peace and order sa Metro.

"The PNP (Philippine National Police) is good but it is undermanned. We are contributing because the PNP is our partner in seeking peace and stability," punto ni Tolentino.

BAKBAKAN SA BATANGAS

Samantala, isang hinihinalang miyembro ng NPA ang napaslang habang tatlo pa sa mga rebelde ang sugatan kasunod ng sagupaan kanina sa Batangas.

Sinabi kanina ni Army spokesman Lieutenant Colonel Ernesto Torres, Jr. na dakong alas-8:30 ng umaga nang magkabakbakan ang mga rebelde at elemento ng 740th Combat Group ng Philippine Air Force (AFP) sa Barangay Libato sa bayan ng San Juan.

Wala namang naiulat na nabiktima sa panig ng tropa ng pamahalaan. Narekober sa lugar ng insidente ang dalawang armas buhat sa mga rebelde. Patuloy ang pagtutugis na inilunsad nng militar sa mga nakatakas pang komunista. (Juley Reyes)

2 comments:

Anonymous said...

They are probably want to get ready to secure S Ocampo. Maybe, they want to set him free. Or, they want to protect somebody.

Anonymous said...

Probably, they want to put away someone. We do not want anymore. They are very scary bunch.