Sunday, March 04, 2007

NPA Humihina Sa Western Mindanao

PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / 04 Mar) – Tila bumabagsak na umano ang puwersa ng New People’s Army (NPA) sa Zamboanga del Sur matapos ng sunod-sunod na kampanya ng militar sa lalawigan.

Ngunit inamin ni First Infantry Division commander, Major General Raymundo Ferrer, na malaking tulong ang sibilyan at ang suporta ng publiko sa mga sundalo at pamahalaan kung kaya’t unti-unting humina ang puwersa ng mga rebelde hindi lamang sa Zamboanga del Sur, kundi maging sa Western Mindanao.

Kilalang kuta ng NPA ang Zamboanga del Sur at ibang bahagi ng rehiyon, kabilang ang Margo sa Tubig, Dinas, Zamboanga del Norte at Misamis.

“Talagang hindi tumitigil yun ating operasyon laban sa NPA, pero malaki ang tulong ng ating mga mamamayan at alam naman kasi ng mga sibilyan ang ginagawa ng mga rebelde kung kaya’t marami tayong impormasyon na natatanggap ukol sa NPA,” ani Ferrer sa pahayagang Mindanao Examiner.

Isinabit ni Ferrer ang NPA sa ibat-ibang atrosidad at nasa likod umano ng maraming pangongotong sa lalawigan at pananakot sa mga magsasakang ayaw magbigay ng bigas. Hindi naman agad makunan ng pahayag ang NPA ukol sa ibinunyag ng militar. (Mindanao Examiner)

No comments: