Monday, March 05, 2007

NPA Tigok, 2 Sundalo Sugatan Sa Labanan

MANILA (Mindanao Examiner / 05 Mar) – Patay ang isang rebeldeng New People's Army (NPA) habang dalawang sundalo naman ang sugatan sa sagupaang naganap sa lalawigan ng Compostela Valley sa Mindanao.

Sa ulat na ibinigay ng Philippine Army sa Mindanao Examiner ay nakasaad na tinatayang 30 rebelde ang nakabakbakan ng mga tauhan ng 60th Infantry Battalion at 72nd Cadre Battalion sa Barangay Concepcion sa bayan ng Laak kung saan ay narekober ng isang M14 rifle at isang caliber .357 revolver.

Nakilala ang dalawang sugatang sundalo na sina Private First Class Matildo at Private Ponce at dinala na sa Panacan Station Hospital sa Davao City.

Samantala sa Bukidnon sa Northern Mindanao, anim na matataas na kalibre ng baril at eksplosibo naman ang nakuha ng tropa ng 26th Infantry Battalion at Cafgu sa Sitio Tintina-an, Can-ayan, Malaybalay City.

Kabilang sa mga nakuha ay ang apat na M16 rifles, isang M14, isang anti-personnel mine, electrical wires, detonator at bateryaIsang rebelde rin ang umano’y sumuko sa Special Operations Team ng 3rd Infantry Battalion sa Barangay Abulalas sa Hagonoy, Bulacan.

Nakilala ang rebelde na si Maximo Buenavista alyas Dalton, at political guide at kolekta ng teroristang grupong nag-o-operate sa Hagonoy, Paombong, Calumpit at Malolos sa nasabing lalawigan. (Juley Reyes)

No comments: