ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 21 Mar) – Nagbabala ang awtoridad kahapon laban sa mga nagnanais na pumasok ng illegal sa Sabah, Malaysia na kung saan ay matindi ang crack down sa mga walang dokumento at papeles.
Ilang ulit na rin nagbigay ng babala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa pagpasok sa Sbah ng mga Pinoy na walang papeles o passport. Talamak ang tawiran mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi patungong Sabah sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Philippine Navy.
Nuong Sabado lamang ay mahigit sa 300 mga Pinoy na dinakip sa Sabah ang dumating sa Zamboanga City. Mahigit na rin 2,000 ang ma illegal na Pinoy ang pinabalik sa bansa mula pa ng Enero, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Zamboanga City.
Sinabi ni local DSWD spokesperson Fe Dela Cruz na nasa mabuting kalagayan umano ang huling batch ng mga deportees. Batay sa record ng DSWD ay 232 sa mga dumating ay kalalakihan. Hindi naman nabatid kung ilan ang babae at bata sa nasabing grupo.
Agad naman silang binigyan ng tulong ng DSWD at pinabalik na rin umano ang ibagng mga deportees sa kani-kanilang lugar at karamihan ay mga Muslim na nanggaling sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Nanawagan ang DFA sa mga nais na magtungo sa Sabah na kumuha ng passport at iba pang mga dokumento upang maiwasan ang anumang problema. Mahigpit ang sa Malaysia sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga ilegal doon, bukod sa Pinoy ay may mga Indian at Thailander sa nasabing bansa.
Karamihan sa mga deportees ay walang papeles at nagtungo ng ilegal sa Sabah upang doon makipagsapalaran. Hirap umano ang buhay sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at walang kasuguhan sa kinabukasan ng kanilang pamilya. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment