MANILA (Mindanao Examiner / 23 Mar) – Humihiling ngayon ang Philippine National Police (PNP) ng tinatayang P644.37 milyon buhat sa Commission on Elections (Comelec) sa pagganap nito ng tungkulin sa halalan sa Mayo.
Ayon kay PNP Directorate for Operations chief Director Wilfredo Garcia na bagamat hindi pa naaaprubahan ng Comelec ang kanilang hirit ay maaaring mapagbigyan na ito sa Lunes kung kailan magpupulong ang pulisya at election officials hinggil sa aspeto ng seguridad at paghahanda.
"That is our request based on the requirements submitted. But this is not necessarily the exact figure. This is only for purposes of request," ani Garcia.
Gayunman, hindi pa maipaliwanag ni Garcia ang breakdown ng naturang gastusin.
Nauna na ring inalerto ni PNP chief Director General Oscar Calderon ang buong kapulisan sa bansa hinggil sa posibleng paglala nng election-related violence habang lumalapit ang panahon ng pangangampanya sa lokal na posisyon.
"Based on historical data, we anticipate political rivalry to heat up in perennial election areas of concern," ani Calderon. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment