Wednesday, March 28, 2007

Pulitiko Dinumog!


Ex-Sulu Gov. Sakur Tan hands his certificate of candidacy to an election officer as his running mate, re-electionist Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidula looks on. (Mindanao Examiner Photo/Chris Navarra)


SULU (Mindanao Examiner / 28 Mar) – Nagmistulang artista na pinagkaguluhan ng daan-daang katao ang dating gobernador ng Sulu ng pangunahan nito ang paghain ng kandidatura ng matitinding pulitiko na binansagang haligi sa lalawigan.
Halos hindi magkaugaga si ex-governor Sakur Tan ng ito’y pagkaguluhan mula sa kanyang bahay hanggang sa pagdating nito sa tanggapan ng Commission on Elections na tabi lamang ng Kapitolyo kamakailan.

Tatakbong muli si Tan sa pagka-governor matapos itong himukin ng mga taga-Sulu na ipagpatuloy ang kanyang magandang legasiya.

Si Tan rin ang tanging kandidato ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) ni Pangulong Gloria Arroyo sa Sulu at ng iba pang kaalyado nito.Kasama ni Tan na naghain ng kandidatura sina re-electionist Sulu Vice Governor Lady Ann Sahidula at Yusop Jikiri, na tatakbo bilang Congressman sa lalawigan.

Puntirya naman ni Sulu. Rep. Hussin Amin, na siyang chairman ng KAMPI sa Sulu, ang mayoralty sa bayan ng Jolo. Makapal ang taong sumama at sumalubong kay Tan at tanging pangalan nito ang sambit.

Maging ang mga empleyado ng Kapitolyo ay hindi na rin napigil ang kanilang pagkagalak ng makita ang dating governor.“Ako ay tuwang-tuwa sa laki ng suporta ng mga taga-Sulu hindi lamang sa akin, kundi maging sa aking mga kasamahan.

Lahat ng ito’y patunay lamang na kailangan na natin ng malaking pagbabago sa Sulu; pagbabagong makikita ng lahat kapag ako’y nahalal,” ani Tan sa panayam ng pahayagang Mindanao Examiner.

Ang grupo ni Tan ang siyang pinakamalaki na nagtungo sa COMELEC sa paghain ng kanilang kandidatura – mahigit sa 300 mga sasakyan mula sa ibat-ibang mga bayan lulan ang mga ordinaryong tao ang sumama sa dating governor.

Maging si Tan ay nagulat sa dami ng tao. Sa kalye ay maririnig ang sigaw ng maraming tagasunod nina Tan, Sahidula at Jikiri na nagpapasalamat sa kanilang pagsabak muli sa halalan.

Saksi rin si Assistant Secretary Ricardo Ochia, Presidential Assistant for Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), sa paghain nina Tan ng kandidatura. Ipinadala ito ng Pangulong Arroyo sa Sulu upang personal na tignan ang sitwasyon sa Sulu.

Natuwa naman si Ochia dahil sa katahimikan sa Sulu. “Natutuwa ako sa aking nakita at siguradong masisiyahan ang Pangulong Arroyo sa magandang sitwasyon ng pulitika sa Sulu,” wika nito sa hiwalay na panayam.

Natuwa ng husto ang mga maliit na negosyante sa Sulu dahil kung magwawagi umano si Tan ay tiyak na manunumbalik ang sigla ng kalakal sa lalawigan na ngayon ay lugmok sa kahirpan at naghihingalong ekonomiya.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Tan kay Pangulong Arroyo at sa partido nitong KAMPI dahil sa kanyang opisyal na pagkakahalal.

Unang ipinangako ni Tan na ipupursige ang magandang plataporma ng pamahalaang Arroyo sa mga Muslim at programa upang malabanan ang kahirapan sa Sulu.

"Ang aking pamahalaan ay magiging masigasig sa pagpapatupad ng reporma upang muling maging maunlad ang Sulu. Bibigyan natin ng atensyon ang kahirapan at ang ekonomiya, gayun rin ang kapayapaan na minimithi ng bawat isa sa atin. Ours is a government that will address the poverty situation through sustainable economic and livelihood programs and a peace agenda that will be beneficial to all."

"Peace and progress and reforms go side by side with development and we will pursue these programs with the support of all sectors. People want change and we promise better governance which is transparent and honest. Sulu will again be progressive and peaceful,” ani Tan sa naunang pahayag nito.

Sa ngayon ay itinuturing na pinakamalakas ang grupo nina Tan, Amin at Jikiri sa lalawigan ng Sulu. (May dagdag na ulat sina Chris Navarra at Ely Dumaboc)

No comments: