MAGUINDANAO (Mindanao Examiner/ 29 Mar) – Ipinagutos ngayon ng Armed Forces ang puspusang paghahanap sa isang Malaysian bomber na umano’y nagtatago sa Mindanao matapos na ibunyag ng Estados Unidos ang kinalalagyan nito.
Halos apat na taon na umanong nagtatago sa Mindanao si Zulkfili bin Hir alias Marwan at kamakalawa lamang ay inilagay ng ito ng EU sa kanilang talaan ng most wanted terrorist.
Pinatungan pa ng EU ng $5 milyon bounty ang ulo ni Zulkifli upang mapadali ang pagdakip sa dayuhan na sinasabing kasama ng Abu Sayyaf sa kasalukuyan at isa sa mga nagtuturo kung paanong gumawa ng pampasabog.
“We are now intensifying our intelligence operation to get Marwan. Aside from Marwan, we are also tracking down other terrorists and that include the Jemaah Islamiya and Abu Sayyaf,” ani kanina sa pahayagang Mindanao Examiner ni Maj. Gen. Raymundo Ferrer, commander ng 6th Infantry Division sa Central Mindanao, na kung saan inulat na nagtatago si Zulkifli bin Hir.
Hindi naman mabatid kung may kinalaman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang pinakamalaking Muslim rebel group sa bansa, kay Zulkifli bin Hir. May peace talks ang MILF sa pamahalaang Arroyo at sa kasalukuyan ay tumutulong sa pagtugis sa mga terorista sa Mindanao dahil sa isang kasunduang nilagdaan ng dalawang grupo ilang taon na ang nakalipas.
Subali’t may mga lider ang MILF na ayon sa military ay mga “hard core” na siyang nagkukubli sa Jemaah Islamiya at Abu Sayyaf bombers na responsable sa maraming atake sa Mindanao.
Sinabi rin ng U.S. State Department na mismong si Secretary of State Condoleezza Rice ang siyang nag-authorized ng naturang bounty sa ulo ni Zulkifli.
Idinagdag na ng US si Zulkifli sa most-wanted list ng Rewards for Justice program.
"Zulkifli bin Hir is a Malaysian citizen born in 1966 in Muar, Johor. An engineer trained in the United States, he allegedly heads the Kumpulun Mujahidin Malaysia (KMM) terrorist organization and is a member of Jemaah Islamiyah's central command. He has been present in the Philippines since August 2003, where he is believed to have conducted bomb-making training for the Abu Sayyaf Group."
"His younger brother, Taufik bin Abdul Halim, a.k.a. Dany, was involved in the 2001 Jakarta Atrium Mall bombing, and currently is in detention in Indonesia,” ayon sa U.S. State Department. (May ulat si Mark Navales)
No comments:
Post a Comment