DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 12 Mar) – Hinamon ni Senator Manny Villar ang Comission on Elections na siguraduhing maging maayos at malinis ang darating na eleksyon.
Ito’y matapos na magreklamo ang maraming mga kandidato dahil sa higpit ng COMELEC sa mga pagdidikit ng mga campaign posters sa mga “designated areas” na hindi naman sapat sa lahat ng mga sasabak sa halalan.
Ayon kay Villar okay lang sa kanya na mahigpit ang COMELEC dapat lang na ang pagiging mahigpit nito madadala sa eleksiyon para walang dayaang mangyayari sa halalan ngayong Mayo 14.

"Okay lang sa akin na mahigpit ang COMELEC basta siguraduhin lang nilang mabibilang lahat ng boto," pahayag ni Villar.
Sinabi ni Villar na malaki ang responsibilidad ngayon ng COMELEC na patunayan ang kanilang ahensiya para hindi na maulit ang nangyari noong nakaraang 2004 national polls na talamak sa dayaan.
"Sa darating na eleksyon ngayong Mayo dapat patunayan ng COMELEC sa taong bayan na may kakayahan silang gawing malinis ang eleksyon," pahayag ng senador. (Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment