ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 02 Mar) – Pinaghahandaan na ng militar ang pagtatapos ng Balikatan 2007 sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay naglunsad ng ibat-ibang mga humanitarian projects ang mga sundalong Kano.
Inaasahang darating sa Sabado si Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon upang saksihan ang mga nagawang impraistruktura ng mga Kano at sundalong Pinoy. Magtatapos ang Baliktan 2007 sa susunod na linggo.
Ngunit tiniyak naman ng mga Kano na magpapatuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa mga mahihirap na lugar sa Sulu. Nakapagpatayo ang mga Kano ng mga gusali sa lalwigan at kalsadang ngayon ay napapakinabangan ng maraming mga Muslim.
Nagsimula ang Balikatan 2007, ang codename ng joint military training, nuong Peb. 18 at umabot sa 32 mga ibat-ibang truck at bulldozers ang dinala ng mga Kano sa Sulu upang gamitin sa mga projects.
Bukod sa Sulu ay nagsagawa rin ng malaking medical mission ang mga sundalong Kano at Pinoy sa coastal Muslim barangay ng Mariki sa Zamboanga City nitong lingo at 850 mga mahihirap ang nabiyayaan.
Sa Tawi-Tawi naman ang susunod na venue ng Balikatan 2007 at ito’y dadalhin rin sa Central Mindanao. Ilang libong mga sundalo rin ang kasama sa Balikatan 2007. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment