ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 04 Mar) – Patuloy na pumapayagpag ang Zamboanga City matapos na dalawang Malaysian airlines ang sinasabing magbubukas ng biyahe mula Sabah.
Paborableng klima sa negosyo at gumagandang peace and order situation sa Zamboanga City at Mindanao ang dahilan kung bakit naisipan magbukas ng ruta dito and Air Asia at Malaysian Airlines.
Bagamat hindi agad mabatid ang takdang petsa ng pagbubukas ng mga ruta ay ikinatuwa na ito ng maraming opisyal ng pamahalaan sa Zamboanga. Patunay umano ang pagdagsa ng mga dayuhang negosyo sa Zamboanga ang malaking pagbabago sa pangkalahatang sitwasyon sa Mindanao.
Nabatid pang ang introductory ticket ng Sabah-Zamboanga flight ng Malaysian Airline ay $50 (P2,400) lamang. Mataas pa umano ang singil ng Philippine Air Lines, Cebu Pacific at Air Philippines sa kanilang Zamboanga-Manila flight na aabot sa mahigit P4,500.
Naunang nagbukas sa Zamboanga nuong nakaraang taon ang Mosphil, isang Russian-Filipino airliner, na bumibiyahe mula dito at Sabah. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment