QUEZON CITY – WALA NA UMANONG MAKAKAPIGIL sa Armed Forces National Capital Region Command (NCR Command) sa inilulunsad nitong kampanya kontra dayaan sa halalan sa harap ng maraming pagbatikos sa kanilang hakbang.
Ayon kay AFP NCR Command Chief Major General Mohammad Dolorfino, hindi paglabag sa Omnibus Election Code ang simpleng panawagan sa publiko na pumili ng maka-Diyos at epektibong lider, gayundin sa responsableng pagboto at malinis na eleksyon.
Ikinatwiran nitong hindi naman nag-eendorso ng kahit sinong kandidato ang militar kung kayat hindi ito matatawag na electioneering at pinaninindigan ang pagiging non-partisan.
Paliwanag pa ni Dolorfino, idinadaan nito sa media ang kampanya at hindi naman sa mga bara-barangay upang hindi mapagdudahan o mabahiran ng pulitika ang kanilang hakbang.
"Next week we will be advocating for honest, orderly and peaceful election and also for responsible voting, then the week before election we will make final preparations for preemptive monitoring of the conduct of elections so that we can make the elections transparent and in the process make it credible and we can also nip on the bud attempts to conduct irregularities," hirit pa ni Dolorfino.
Sinabi pa ng heneral na magsasayang lamang ng panahon at pasweldo ng taumbayan kung tutunga ang mga sundalo sa halip na kumilos para ikampanya ang malinis na eleksyon.
"Bakit kami binabatikos? Ayaw ba nila na magkaroon ng honest, orderly and peaceful elections.Bakit electioneering ba pag sinabi ko na vote for somebody who is God fearing? Is it wrong pag sinabi ko na vote for somebody who can give justice to the people? Is it wrong if I say that vote for somebody who is physically, morally and intellectually qualified?
“Is it wrong if I say na vote for somebody is known as a good leader. Tama yung sinabi kanina na as long as you are doing right, you can never go wrong," lintanya ni Dolorfino. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment