Wednesday, April 25, 2007

Batang Napatay Ng Militar, Kolateral Damage!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 25 Apr) - Hindi mapapanagot ang tropa ng mga sundalong sinasabing responsable sa pagkakapaslang ng isang 9-anyos na bata na unang pinagbintangang gerilya ng militar sa sagupaan sa Compostela Valley.

Kasabay nito, ipinahayag kanina ni Army General Carlos Holganza ang pagdududa na isang rebelde ang napatay na si Grecil Buya dahil sadyang napakabata umano nito upang maging mandirigma.

Mas naniniwala pa si Holganza na nasawi si Gelacio sa gitna ng sagupaan ng mga rebelde at militar kaysa sa sinasabing napatumba ito sa giyera.

Depensa ng heneral, maraming indikasyon na isa lamang ordinaryong residente na nadamay o natamaan sa barilan ng mga komunista at tropa ng pamahalaan ang naturang biktima.

"Why should they be held accountable? Her death, at the very least, it was a crossfire incident. "There are indications that point towards crossfire. There are very, very strong indications," ani Holganza.

Gayunman, sinabi ni Holganza na handa itong humingi ng paumanhin sa pamilya Gelacio kung mapatutunayang napatay ito sa crossfire nuong Marso.

Nauna nang kinasuhan ng pamilya ng bata ang tropa ng mga sundalong nakapatay sa menor de edad sa katwirang sabon at hindi M16 rifle ang dala ng kanilang anak.

Nabatid naman kay Holganza na sinuspinde nito ang imbestigasyon sa naturang insidente nang tumanggi ang ama ni Grecil, na pinaghihinalaan ring NPA, na makipagtulungan sa mga awtoridad. (Juley Reyes)

No comments:

Post a Comment