Wednesday, April 25, 2007

Face Off!

MANILA (Mindanao Examiner / 25 Apr) – Tatapatan ng tinatayang 13,000 pulis ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dagsa ng mga ilulunsad na kilos-protesta sa Mayo 1.

Bagamat inaasahan ng pulisya na magiging mapayapa ang Labor Day protests sa susunod na linggo, kinakailangan pa rin na maging handa ang kapulisan sa anumang hindi inaasahan.

Sinabi ni PNP-NCRPO spokesman Superintendent Rommel Miranda na maaaring kakaunti lamang ang makikilahok sa mga protesta sapagkat abala ang karamihan sa mga ito sa pangangampanya para sa May 14 elections.

Partikular na dudumugin ng mga raliyista ay ang Liwasang Bonifacio, isa sa itinuturing na freedom park. Nagpulong ngayon ang mga opisyal ng PNP sa Metro Manila upang plantsahin ang mga kaukulang hakbang para sa seguridad ng mga magra-rally sa Martes.

Kabilang na rin sa naturang puwersa ng mga pulis ang nagbuhat sa Central at Southern Luzon. (Juley Reyes)

No comments: