Friday, April 27, 2007

Kampanya Kontra Dayaan Sa Eleksyon, Barado Sa AFP Chief

QUEZON CITY - HINDI nakakuha ng buong suporta sa liderato ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang diskarte ni National Capital Region Command Chief Major General Mohammad Ben Dolorfino para sa kampanya kontra dayaan sa eleksyon.

Kasunod ito ng pag-aatas ngayon ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. na ilaglag sa prayoridad ng militar ang advocacy para sa malinis na halalan tulad ng isinasakatuparan ni Dolorfino.

Pinasimulan na ni Dolorfino ang paglilibot sa industriya ng pamamahayag upang ikampanya ang responsableng pagboto at matahimik at malinis na eleksyon.

Ayon kay AFP Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro, bagamat walang masama sa hangarin ni Dolorfino, hindi nito ang prayoridad sa direktiba ni Esperon sa mga area commander ng militar.

"We will have less time for that (information campaign)," ani Bacarro.

Sa ngayon aniya, abala ang AFP sa paghahanda sa posibilidad na pakilusin ito ng Commission on Elections (Comelec) upang makatuwang ng Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay ng halalan. (Juley Reyes)

No comments:

Post a Comment