DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 13 Apr) – Tila pinagtatawanan lamang ng New People’s Army ang opensibang isinasagawa ng militar kontra rebeldeng grupo sa lalawigan ng Davao del Norte.
Natakasan na umano ng mga rebelde ang matinding opensiba na nagsimula kamakalawa. Ngunit matindi naman ang nagging epekto nito sa mga sibilyan dahil daan-daang na ang inulat na lumikas mula sa kanilang mga barangay sa lungsod ng Panabo.
Naroon ang konsentrasyon ng opensiba ng military dahil sa naganap na raid ng NPA sa Davao penal farm nitong lingo lamang at mahigit sa 100 armas ang nakulimbat ng mga rebelde.
Takot at galit naman ang umiiral ngayon sa maraming bahagi ng Panabo dahil apektado ang mga magsasaka at sibilyan sa isinasagawang opensiba ng mga sundalo laban sa NPA.
Ilang beses rin binomba ng mga Philippine Air Force OV-10 planes ang mga hinihinalang taguan ng NPA sa kabundukan, subali’t tanging mga kabahayan ng sibilyan ang nasira.
Kinondena rin kahapon ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang walang humpay na atake ng militar dahil sa lubos ng paghihirap ng mga mamamayan at pagkawasak ng kanilang mga ari-arian.
"There is absolutely no justification in indiscriminately bombing a populated community, endanging the lives of hundreds of residents and destroying their homes, fields and crops. This is naked terrorism and fascist brutality,” ani pa ni Gregorio Rosal, ang tumatayong tagapagsalita ng CPP.
“To add insult to injury, the AFP even blurted out the total absurdity that they bombed the barangay because the NPA hostaged the barriofolk. It is nothing but a big lie that no sane person would believe,” dagdag pa ni Rosal.
Inulat kasi ng military at pulisya na mahigit sa 200 katao ang binihag ng NPA at ginawang pananggalang sa mga nagpupursigeng tropa ng militar kamakalawa.Pinasinungalingan naman ito ng NPA.
"The truth is, the Red fighters of the NPA-Merardo Arce Command had already safely withdrawn. The so-called pursuit operations were only for show at the expense of the people of Barangay Manay."
“The AFP and PNP "are culpable for violating the Geneva Conventions that stipulate the rights and protection of civilians in the midst of war,” wika ni Rosal sa isang statement na ipinadala sa pahayagang Mindanao Examiner.
Umapela rin si Rosal sa local at international human rights organizations na imbestigahan ang mga pag-abuso diumano ng mga sundalo sa mga sibilyan sa Davao del Norte.
Itinanggi naman ng militar ang lahat ng akusasyon ng rebelde at sinabing ang NPA ang siyang nasa likod ng maraming paglabag sa karapatan pantao sa bansa dahil sa mga pagsalakay sa ibat-ibang lugar at pagpatay sa mga inosenteng tao. (With a report from Romy Bwaga)
No comments:
Post a Comment