Saturday, April 28, 2007

Oplan Ultimatum 2, Inilunsad Sa Sulu!

Mga bala ng .50-caliber machine gun, automatic rifles, radio transceivers at satellite phone na nabawi ng mga sundalo mula sa nakubkob na kampo ng Moro National Liberation Front sa lalawigan ng Sulu. (Mindanao Examiner Photo Service)


SULU (Mindanao Examienr / 28 Apr) – Isinailalim na sa mahigpit na siguridad ang lalawigan ng Sulu matapos na maglunsad ang militar ng panibagong opensiba upang tugisin ang Abu Sayyaf at Moro National Liberation Front rebels.


Mismong si Armed Forces chief General Hermogenes Esperon ang nag-utos na habulin si MNLF leader Ustadz Khabir Malik, na siyang nasa likod ng atake sa isang marine base at municipal hall ng Panamao nuong Abril 13.


Binansagan ni Esperon na “Oplan: Ultimatum 2” ang nasabing opensiba kontra grupo ni Malik at Abu Sayyaf sa Sulu.


“We have ordered troops to pursue the terrorists and the fugitive Malik. Our operation is now called Oplan Ultimatum 2,” ani Esperon sa pahayagang Mindanao Examiner.


Nagtungo si Esperon kamakalawa sa Sulu at nakipagpulong sa mga commanders nito at binisita at pinarangalan ang mga tropang tumutugis sa mga armado.


“Malik remains the subject of our hot pursuit. It is very clear that he committed homicide. We now consider him as a fugitive,” dagdag pa ni Esperon.


Mahigit sa 8,000 sundalo ang naka-deploy ngayon sa Sulu, ngunit walang bagong ulat na nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng militar at grupo ni Malik o Abu Sayyaf.


Hinihinalang nasa bundok ng Mount Tumatangis si Malik. Wala na rin umanong suporta ito mula sa ibang mga MNLF commanders dahil sa ginawang atahe na ikinamatay ng 3 sundalo at isang teenager. (Mindanao Examiner)

No comments: