QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 24 May) – Pormal ng bumaba ngayon sa tungkulin ang itinuturing na ikatlong mataas na lider ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Kasunod ito ng mandatory retirement ni Lieutenant General Christie Datu bilang deputy chief of staff ng Armed Forces. Miyembro ng Philippine Airforce (PAF) at nagtapos ng Philippine Military Academy Class 1973 si Datu na pinalitan ni Major General Pedrito Cadungog.
Si Cadungog na tumayong kumander ng Air Education and Training Command ay miyembro ng PMA Class 1975.
Sa turn-over ceremony, ipinahayag ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. ang kumpyansa na magiging epektibo sa tungkulin ang pagpapalit ng opisyal bilang deputy chief of staff.
Ilan pang heneral ng AFP ang nakatakdang magretiro ngayong taon, kabilang ang hepe ng Philippine Army na si Lieutenant General Romeo Tolentino sa Agosto at Major General Jose Angel Honrado, kasalukuyang tagapagsalita ng militar. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment