Wednesday, May 09, 2007

AFP, Palaban Na Sa Halalan!

MANILA (Mindanao Examiner / 09 May) – Kinumpirma ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. ang pagpapakalat ng tropa ng mga sundalo sa tatlong probinsya at isang syudad bunsod ng pag-init ng election-related violence.

Nilinaw ni Esperon na mayroong basbas o opisyal na pag-atas ng Commission on Elections (Comelec) ang naturang deployment.

Kasabay nito, epektibo bukas ay itataas na sa red alert ang kabuuan puwersa ng militar sa bansa upang matiyak na magiging handa sa pag-ayuda sa Philippine National Police (PNP) sakaling hindi makontrol ang seguridad.

Sinabi ng heneral na isang batalyon o binubuo ng 300 hanggang 400 sundalo ang kikilos sa Abra, Nueva Ecija, at Masbate, gayundin ang isang maliit na grupo naman sa San Carlos City, Pangasinan.

Maituturing na "on call" aniya ang AFP at inaasahan pang may mga lugar na maaaring malagyan ng military deployment."Let's say the whole Armed Forces is on call.

Some areas have been declared as election areas of concern so we are anticipating more deployments," ani Esperon.

Tinitiyak pa ni Esperon na paninindigan ng AFP ang umiiral na Memorandum of Agreement sa pagitan ng Comelec at Department of National Defense na naglilimita ng papel ng militar sa eleksyon.

"There are two instances by which the Armed Forces would be deployed, one is if there is serious armed threat. It has happened in Abra, it has happened in Nueva Ecija, Kalinga, Masbate [and] Sulu," paliwanag ng AFP Chief.

"Another instance where could be deployed is for the conduct of the gun ban and we have been directed to conduct, put up checkpoints," dagdag nito.

Nagpatutsada rin si Esperon sa mga retiradong heneral na nagpapalutang na mandaraya ang AFP sa May 14 elections sa ilalim ng tinatawag na "Oplan Mercury Rising".

Sinabi ni Esperon na mas maganda aniya kung naging mahusay sa pagpaplano ang mga retiradong heneral na bumubuo ng Bantay Boto coalition noong panahon na sila ay aktibo pa sa posisyon o serbisyong militar.

Naniniwala pa ang heneral na ang ipinaparatang na plano sa pandaraya umano ng AFP ay gawa-gawa lang mga gustong masira ang imahe ng organisasyon.

"I wish they were that good in making plans when they were still in the active service," ani Esperon.

Una nang inihayag ng naturang koalisyon ng mga retirado na mayroong intelligence information na dadayain ang 14 milyong boto para paboran ang mga kandidato ng Team Unity partikular na nina senate candidates Michael Defensor, Prospero Pichay, at Juan Miguel Zubiri.

Inakusahan rin ng grupo si Esperon na nagpalabas ng radio message upang tiyakin ang 12-0 victory ng administration candidates.

"Those allegations were all concocted by whoever is bringing them now. First of all, I'm not aware of it. There is nothing on the ground that could, that would [give] credence to such an oplan," diin pa ni Esperon.

"Their objective is simply to vilify some groups including the military. They say I sent out a radio signal to vote 12-0. I say these are shallow allegations. Any private knows a radio message when he sees one," dagdag nito.Hinamon rin ni Esperon ang grupo na ipakita sa kanya ang kopya ng radio message. (Juley Reyes)

No comments: