CEBU (Mindanao Examiner / 01 May) – Patuloy na tumataas ang krimen sa lungsod ng Talisay at alarmado na umano ang publiko sa halos pagiging inutile ng pulisya na mapigil ang mga karahasan.
Talamak umano ang holdapan at snatching sa mga mataong lugar. Hiling naman ng mga negosyante na magdagdag ng police beat patrol at mga undercover cops sa ibat-ibang lugar upang mapigilan ang paglaganap ng krimen.
Nuong kamakalawa lamang ay isang anak na babae ng municipal councilor sa lalawigan ang nabaril matapos na ito’y tumangging ibigay ang kanyang cell phone sa holdaper.
Nabaril sa kanyang dibdib si Trixia Mejias, 19, at anak ni Minglanilla Municipal Councilor Concordio Mejias. Kasalukuyang nasa pagamutan ang biktima.
Sakay umano ng pampasaherong multi-cab ang biktima ng harangin ng holdaper ang sasakyan at nilimas ang lahat ng pasahero. Ngunit binaril nito ang babae ng ito’y nagmatigas. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment