NEGROS ORIENTAL (Mindanao Examiner / 29 May) – Alarmado ngayon ang Department of Health sa lalawigan ng Negros matapos na mapansin ng mga eksperto ang pagtaas ng bilang ng mga taong may sakit na ketong o leprosy.
Nagbabala na rin ang DOH sa publiko na maging maingat sa kanilang sarili at kalusugan upang mahawa sa nasabing sakit. Base sa records ng DOH ay may mahigit sa isang dosenang kaso ng ketong sa Nagros Oriental ngayon taon.
Nuong 2006 ay 11 kaso lamang ang naitala. Ngunit posibleng mas malaki pa ang bilang ng mga hindi naitatala o yun mga taong may ketong ngunit natatakot na lumantad.
Karamihan sa may ketong ay mistulang kandilang nauupod dahil ganito rin ang nangyayari sa part eng kanilang katawan, partikular sa mga paa at kamay. May mga bukol rin ang katawan ng isang may ketong.
Ang ketong ay sanhi ng “mycrobacterium leprae” at matagal ang gamutan nito at kadalasan ay taon ang ibinibilang. Noon ay inihihiwalay ang mga may ketong sa publiko dahil sa takot na ito’y kumalat, ngunit ngayon ay marami ng gamot upang labanan ang sakit.
Kabilang sa mga ito ay ang antibiotics na rifampin, dapsone at clofazimine. Ngunit ang prescription nito ay tanging sa mga eksperto o duktor lamang makukuha. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment