QUEZON CITY – Mismong ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naalarma na rin sa pagpaparatang sa institusyon sa pagkawala ng aktibista at anak ng publisher na si Jonas Joseph Burgos.
Gayunman, agad na sinabi ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. na walang kinalaman ang militar sa sinasabing pagdukot sa batang Burgos.
Nabatid kay Esperon na pinakilos na ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) upang hanapin si Burgos.
Bukod pa rito, nag-iimbestiga na rin ang Provost Marshall ng Philippine Army matapos na matunton ang kumpiskadong illegal logging truck na dapat sana ay may plakang ginamit bilang getaway vehicle sa pagtangay sa biktima sa headquarters ng 56th Infantry Battalion.
Sinabi ni Esperon na ang naturang truck ay na-impound sa 56th Infantry Battalion noong Hunyo 2006 dahil sa pagdadala ng ilegal na troso at iniimbestigahan kung paanong napunta ang plaka nito sa isang Toyota Revo na naging sasakyan para tumakas ang mga suspek bitbit si Burgos.
Walang nakikitang ugnayan ang AFP Chief sa natuntong logging truck sa kampo ng militar at sa pagdukot kay Burgos bagamat hindi aniya nito isinasara ang posibilidad sa maaaring pananagutan ng ilang tauhan nito. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment