Thursday, May 03, 2007

Poll Violence Tumataas Pa Rin!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 03 May) - Halos walumpu na umano ang mga napapaslang na mga kandidato at politiko at tagasuporta, mahigit isang linggo bago ang halalan.

Sa rekord ng Philippine National Police, umaabot sa 44 o 36 politician at 8 kandidato, bukod pa sa 24 tagasuporta at 8 pang sibilyan ang napapatay.

Mas malaki na ito kumpara noong 2004 na kung sa hanay ng mga nalilikidang kandidato at politiko ay nasa 41 lamang at ito ay sa kabuuan na ng panahon ng eleksyon.

Tinatayang 82 naman ang mga nasugatan sa nalalapit na halalan.

Bagamat inaasahan na ng pambansang pulisya na madaragdagan ang naturang bilang, sinisikap na umano nitong magpatupad ng preventive measures upang makontrol ang paglobo ng election related violence.

Sinisi naman ng ilang grupo ang ginawang pakikipag-alyansa ng partidong KAMPI ni Pangulong Gloria Arroyo at LAKAS-CMD at ibang koalisyon ng pamahalaan sa LDP ng oposisyon sa mga karahasan.

Pare-parehong mga kaalyado kasi ni Arroyo ang ngayon ang naggigirian dahil sa naging "free zone o free-for-all" ang mga lugar nito na kung saan ay nagaagawan sa supporta at posisyon ang mga ito.

Nag-merge ang LDP sa KAMPI, LAKAS-CMD upang masiguro ang panalo diumano ng mga kandidato ng TEAM Unity. Bitbit kasi ng KAMPI, LAKAS-CMD at ng koalisyon nito ang TEAM Unity. (ulat nina Juley Reyes at Mark Navales)

No comments: