BACOLOD (Mindanao Examiner / 29 May) – Patuloy ang power struggle sa pagitan ng mga lider ng Revolutionary Ploretarian Army-Alex Bongcayao Brigade (RPA-ABB) sa Bisayas at posibleng samantalahin ito ng New People’s Army (NPA) upang tuluyang mawasak ang pundasyon ng break-away group.
Umiikot ang kapangyarihan ng RPA-ABB sa dalawang kilalang lider na sina Lualhati Carapalli, na siyang chairman ng partido at Nilo De la Cruz, na nagsasabing siya ang tunay na pinuno ng rebeldeng grupo.
Inakusahan ni Dela Cruz ng kung anu-ano si Carapali at ilang mga commander nito at sinabing tinanggal na ng RPA-ABB ang grupo.
Ngunit pinasinungalingan naman ito ni Carapali at sa katunayan ay si Dela Cruz umano ang siyang nag-traydor sa RPA-ABB at posibleng arestuhin upang litisin.
Ikinatuwa naman ng NPA ang kaguluhan sa loob ng RPA-ABB at binansagan traydor ang nasabing grupo dahil nakipagsabwatan umano ito sa pamahalaang Arroyo upang was akin ang NPA.
Matindi ang hidwaan ng NPA at RPA_ABB at madalas magsagupaan ang dalawang grupo sa Bisayas at ibang bahagi ng bansa. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment