Monday, May 07, 2007

Probinsyanong Aktor, Nag-Dirty Finger Sign Sa Camera!

GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / 07 May) – Mistulang siga at akala mo kung sinong umasta si John Estrada matapos nitong itaas ang kamay at saka minostra ang “dirty finger” sign sa isang television crew sa paliparan ng General Sanyos City kanina.

Halos lamunin ng tingin ng dating aktor ang camera ng makitang siya’y kinukunan matapos na umano’y makuwestiyon ng mga parak dahil sa diumano’y pagtanggi nito na magpa-inspkesyon.

Kanina ay ipinalabas ng GMA television ang naging eksena sa paliparan at maraming nadismaya dito sa naging asal ng bruskong si Estrada, na natibo ng Basilan province.

“Bakit kailangan pa ninyo akong inspeksyunin, eh wala naman akong dalang bomba,” ani pa ng isang opisyal na diumano’y sinambit ni Estrada.

Pinayagan rin ng mga awtoridad na makabalik si Estrada sa Maynila matapos na ito’y makausap “It’s not a big deal,” ani pa ng dating probinsyano.

Kilala diumanong mayabang si Estrada at napabalitang nasupinde na rin sa kanyang television noontime show noon dahil sa mga birong may kabastusan.

Hiwalay rin ito sa asawang si Janice de Belen na kung saan ay may mga anak ito. (Mindanao Examiner)

No comments: