NEGROS OCCIDENTAL (Mindanao Examiner / 08 May) – Tinatayang aabot sa mahigit 7,000 mga parak ang ikakalat ng pulisya upang pangalagaan ang kasiguruhan ng halalan sa Bisayas sa susunod na Lunes.
Halos 4,000 ang bilang ng mga presinto na gagamitin sa eleksyon ang dapat bantayan ng pulisya sa naturang rehiyon.
Inaasahang magiging maiinit at magulo ang halalan dahil sa mga private armies at hired assassins ng mga pulitiko.
Malamang rin na tumulong ang militar pagbabantay sa halalan dahil sa banta ng New People’s Army at gulo sa sa bispiras at araw ng botohan.
Nanawagan naman ang mga election watchdogs sa publiko na pangalagaan ang eleksyon at isumbong agad sa media – radyo, telebisyon at reporters sa kanilang lugar.
Samantala, sinabi naman kanina sa Maynila ni PNP Deputy Chief for Operations Director Wilfredo Garcia na kasado na umano ang buong puwersa ng pulisya sa buong bansa sa darating na Sabado, dalawang araw bago ang halalan.
Nabatid rin kay Garcia na dalawang pulis ang itatalagang magbantay sa bawat polling precinct sa bansa.
Sa mga lugar naman na may presensya NPA ay sinabi ni Garcia na makakatuwang rin sa seguridad sa mga presinto ang militar ngunit 50 metro ang layo sa voting center.
"We would like to assure our people that the PNP, AFP and the Comelec have worked hard for this election and instituted pro-active measures to make this election orderly and peaceful," ani Garcia.
Samantala, nananatiling positibo ang PNP na maidaraos nanng mapayapa at maayos ang nalalapit na halalan. (May ulat ni Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment