MANILA (Mindanao Examiner . 01 May) - Nagpalabas na ngayon ng P300,000 pabuya ang Philippine National Police upang agarang maresolba ang kasong pagpaslang kay Mayor Julian Resuello, ng San Carlos City sa lalawigan ng Pangasinan.
Kasabay nito'y nabatid kay Chief Superintendent Leopoldo Bataoil, hepe ng Police Regional Office 1, na hawak na rin nito ang artist's sketch ng isa sa mga suspek na nakilala ng testigo bilanng alyas Kabesa, 40 anyos, tinatayang 5'3" ang taas, katamtaman ang pangangatawan at armado ng kalibre 45 nang isakatuparan ang krimen.
Kanina ay ipinamahagi na rin ang sketch sa mga mamamahayag.
Ang naturang reward naman ay nilikom rin ng mga mamamayang naghahangad ng mabilis na resolusyon sa insidente.
Patuloy pa rin sinisiyasat at tinutugis ng pulisya ang iba pang mga kasabwat sa pagpatay kay Resuello, kasama ang civilian aide nito at pagkasugat ng pitong iba pa.
Dalawang suspek na pinaniniwalaang hired killers ang sinasabing bumaril kay Resuello at sa mga aide nito sa loob ng auditorium sa lalawigan.
Nasawi on the spot ang security escort ng alkalde na si Eulogio Martinez habang pumanaw na rin sa St. Luke's Medical Center kahapon ng umaga. Bunsod ng insidente, nasa ilalim na ngayon ng kontrol ng Comelec ang San Carlos City.
Si Resuello ay kakandidatong bise alkalde ng San Carlos habang ang anak nito na si Julier ang tumatakbo sa pagka-alkalde. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment