QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 30 May) – Inirekomenda ni Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command (AFP-NCR) Chief Major General Mohammad Dolorfino ang pagbabalik ng tropa sa kalakhang Maynila.
Sa kanyang isinumiteng ulat kay AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr., ipinunto nito ang pangangailangan ng presensya ng militar sa Metro Manila bunga na rin ng nananatiling banta ng insurhensya at terorismo sa rehiyon.
Mandato aniya ng militar ang protektahan ang lipunan bukod pa sa naging epektibo ang pakikipag-ugnayan nito sa mga barangay para magsakatuparan ng mga proyektong makakatulong upang masugpo ang insureksyon at kriminalidad na bumubulabog sa National Capital Region.
"The National Capital Region is not spared from the threats of insurgency, the terrorism so we have to do something in order to be proactive in confronting the threats," ani Dolorfino.
"As far as we concerned, we see to it that we will continue or CMO (civil-military operation) activities. Our view is we should continue our peacetime role as an active partner of local government units," dagdag nito.
Una nang na-pull out dahil sa eleksyon ang tinatayang 260 sundalong kabilang sa civil military operations sa 19 na barangay sa Manila, Quezon City at Caloocan City matapos ang anim na buwan na pananatili ng presensya nito.
Binanggit rin ni Dolorfino sa after operations report nito kay Esperon ang sinasabing accomplishment tulad ng pagsuko ng walong miyembro ng terorista sa Tondo, Maynila.
Natapos na ang refresher training ng mga sundalo at naghihintay na lamang ng go-signal buhat sa AFP Chief kung babalik ang mga ito sa komunidad. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment