Mga kaibigan at pamilya ni Jonas Burgos sa isang rally sa Maynila.
Nais ng pamilya ni Burgos na makakuha ng kopya ng imbestigasyon na ginawa ng Provost Marshal. Isinabit ng pamilya ni Burgos ang mga sundalo ng 56th Infantry Battalion dahil sa isang plaka ng sasakyan nasa pangangalaga nito ang siyang ginamit ng get-away vehicle sa pagdukot kay Burgos sa Gotesco Mall mahigit dalawang buwan na ang nakaraan.
Sinabi ni AFP spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro na confidential ang mga dokumento at hindi puwedeng isa-publiko. Gayunman, idinagdag nitong pinag-aaralan ng Judge Advocate General's Office (JAGO) kung papayagan ang pamilya Burgos na makakuha ng kopya ng Provost Marshal report.
Ang AFP Provost Marshal ang nagsagawa ng pagbusisi hinggil sa umano'y kapabayaan ng ilang opisyal at tauhan nito nang manakaw ang plaka ng naka-impound na trak sa kampo ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Norzagaray, Bulacan at nakitang ginamit sa get-away vehicle nang tangayin si Burgos.
Ngunit kung susundin aniya ang normal na regulasyon sa militar, hindi maaaring ilabas ang investigation report dahil isa itong panloob na dokumento ng AFP.
"It is an internal document of the AFP. Normally, it is not for disclosure," ani Bacarro.
Lalo naman nagdiin sa AFP ang pagkakasangkot nito sa pagkawala ni Burgos dagil sa pagtatago ng dokumento, ayon sa mga kaibigan ni Burgos. Baka pa umano magkaroon ng "white wash" sa resulta ng imbestigasyon o kaya ay mabago ang mga nakasaad doon.
Una nang pinaratangan ni Editha Burgos, ang ina ni Jonas, si AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon Jr. na nagtatakip sa mga tauhan nitong dawit sa pagdukot umano kay Jonas.
Mariin namang itinatanggi ng AFP ang nasabing akusasyon dahil kung tutuusin ay nagsagawa ng pag-iimbestiga ang organisasyon sa maaaring kinalaman ng kanilang ng mga tauhan sa insidente.
"General Esperon is not covering up anything. As a matter of fact even during the start of this issue, the AFP came out with a statement saying that anybody who will be implicated or who will be, whose names will come out as a result of the investigation being conducted by the Philippine National Police will be made available so we are not covering up anything," dagdag ni Bacarro.
Hindi rin nakatitiyak si Bacarro kung may mapapala ang pamilya Burgos sa Provost Marshal report gayung natutuon lamang sa nawawalang plaka ang pag-uungkat nito. (Juley Reyes at Juan Magtanggol)
MANILA (Mindanao Examiner / 28 Jun) – Nagmatagis kanina ang Armed Forces of the Philippines na hindi nito ililitaw ang dokumentong nagtataglay ng resulta ng isang imbestigasyon sa mga miyembro ng Army ukol sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.
Nais ng pamilya ni Burgos na makakuha ng kopya ng imbestigasyon na ginawa ng Provost Marshal. Isinabit ng pamilya ni Burgos ang mga sundalo ng 56th Infantry Battalion dahil sa isang plaka ng sasakyan nasa pangangalaga nito ang siyang ginamit ng get-away vehicle sa pagdukot kay Burgos sa Gotesco Mall mahigit dalawang buwan na ang nakaraan.
Sinabi ni AFP spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro na confidential ang mga dokumento at hindi puwedeng isa-publiko. Gayunman, idinagdag nitong pinag-aaralan ng Judge Advocate General's Office (JAGO) kung papayagan ang pamilya Burgos na makakuha ng kopya ng Provost Marshal report.
Ang AFP Provost Marshal ang nagsagawa ng pagbusisi hinggil sa umano'y kapabayaan ng ilang opisyal at tauhan nito nang manakaw ang plaka ng naka-impound na trak sa kampo ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Norzagaray, Bulacan at nakitang ginamit sa get-away vehicle nang tangayin si Burgos.
Ngunit kung susundin aniya ang normal na regulasyon sa militar, hindi maaaring ilabas ang investigation report dahil isa itong panloob na dokumento ng AFP.
"It is an internal document of the AFP. Normally, it is not for disclosure," ani Bacarro.
Lalo naman nagdiin sa AFP ang pagkakasangkot nito sa pagkawala ni Burgos dagil sa pagtatago ng dokumento, ayon sa mga kaibigan ni Burgos. Baka pa umano magkaroon ng "white wash" sa resulta ng imbestigasyon o kaya ay mabago ang mga nakasaad doon.
Una nang pinaratangan ni Editha Burgos, ang ina ni Jonas, si AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon Jr. na nagtatakip sa mga tauhan nitong dawit sa pagdukot umano kay Jonas.
Mariin namang itinatanggi ng AFP ang nasabing akusasyon dahil kung tutuusin ay nagsagawa ng pag-iimbestiga ang organisasyon sa maaaring kinalaman ng kanilang ng mga tauhan sa insidente.
"General Esperon is not covering up anything. As a matter of fact even during the start of this issue, the AFP came out with a statement saying that anybody who will be implicated or who will be, whose names will come out as a result of the investigation being conducted by the Philippine National Police will be made available so we are not covering up anything," dagdag ni Bacarro.
Hindi rin nakatitiyak si Bacarro kung may mapapala ang pamilya Burgos sa Provost Marshal report gayung natutuon lamang sa nawawalang plaka ang pag-uungkat nito. (Juley Reyes at Juan Magtanggol)
No comments:
Post a Comment