Sunday, June 24, 2007

Gobernador Ng Sulu, Naglatag Ng Agenda!

Sulu Governor Sakur Tan. (Mindanao Examiner Photo Service)



SULU (Mindanao Examiner / 24 Jun) Inilatag kahapon ni Sulu Gov. Sakur Tan ang mga priority projects nito sa lalawigan bilang paghahanda sa kanyang panunungkulan bilang bagong halal na opisyal.

Nais umanong palakasin ni Tan ang ekonomiya at ang peace and order ng Sulu at pupulungin umano nito ang mga lider ng ibat-ibangbayan, religious and business sectors, gayun rin ang militar at pulisya.

Nangunguna sa agenda nito ang kahirapan sa Sulu na sinabi ni Tan na siyang ugat sa lahat ng karahasan sa lalawigan.

“Maraming gagawin ngayon dahil talagang napabayaan itong Sulu ng mga naunang mga opisyal. Kahirapan, ekonomiya at peace and order an gating pangunhin dapat ay pagtuunan ng kaukulang pansin,” ani Tan sa panayam ng pahayagang Midnanao Examiner.

Nagpasalamat rin agad si Tan sa mga Kano dahil sa kanilang pagtulong sa mga Muslim dito at paglalaan ng mga development at humanitarian projects.

“Welcome itong ganito ginagawang tulong ng US government sa Sulu at sana ay madagdagan pa ang kanilang mga proyekto para sa ating mga mahihirap. Hindi lamang ang US, pati na rin ang Japan at ibang mga bansa na tumutulong sa Sulu at ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM),” wika pa ni Tan.

Nagbanta rin si Tan kahapon na kakasuhan at ipakukulong ang lahat ng mga opisyal na sabit sa anomalya sa Sulu.
“Magpapa-audit ako sa Sulu upang malaman natin kung mga katiwaliaang naganap at pangako ko ito na talagang ipakukulong ko sinuman mapatunayang nagkasala ng pagnanakaw,” dagdag nito. (Mindanao Examiner)

No comments: