QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 28 Jun) – Nagmamalaki ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kakayanan nitong madurog ang rebeldeng New People's Army (NPA) kahit na hindi tulungan ng Estados Unidos sa anti-insurgency campaign nito.
Kumpyansang ipinahayag ni AFP spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro na kung tutuusin ay mas maaga pa sa takdang panahon ang mga istratehiyang isinasakatuparan nito para sa matagumpay na kampanya laban sa mga komunista.
"Strategically, the way we are going right now based on the projections that we have, we are doing well, we are even ahead of the schedule," ani Bacarro.
Target ng militar na unti-unting mapilayan ang mga rebelde hanggang sa maparalisa sa taong 2010.
"We will defeat them by 2010, reducing them to an inconsequential level," ayon sa opisyal.
Nagsimula aniya sa mahigit 7,000 noong nakaraang taon ang bilang ng mga rebelde, gayundin ang pag-arangkada ng Oplan Bantay Laya ng militar, target ng AFP na mabawasan ng 1,000 gerilya kada taon ang puwersa ng NPA.
Sinabi ni Bacarro na sa ganitong paraan ay hindi na makapaglulunsad ng malalaking pagsalakay ng komunistang samahan, bukod pa sa gugutumin rin ang mga ito kapag napilayan ang pinagkukunan ng kanilang resources.
Naniniwala pa ang opisyal na mas kayang makontrol ang NPA kaysa halos 300 hanggang 400 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
"Ang ASG kasi, it has stake taken international prominence, but the NPA we are determined that we can handle them," hirit pa ni Bacarro.
Ngunit sa kabila ng mga pahayag ng U.S. at AFP ukol sa NPA ay nagbanta naman ang rebeldeng grupo na gaganti ito kung sakaling makikialam ang mga Kano sa labanan.
Tinuligsa rin ng NPA ang ginawang invasion ng U.S. sa Iraq at Afghanistan at ang Pangulong si George Bush.
“Right now the US is sinking deeper in two quagmires, in Iraq and Afghanistan. Even Bush is now in boiling water in Washington for launching wars of aggression.”
“However, should the US decide to bring in more troops to the Philippines and engage in further intervention or aggression against the revolutionary forces, the Filipino people and revolutionary forces would gain the golden opportunity to avenge the more than 1.5 million Filipinos who were martyred by US military actions from the start of the US-Filipino war in1899 to the end of the US pacification campaigns in 1914,” ani Fidel Agcaoili, ang chairman ng National Democratic Front Human Rights Committee. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment