ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 12 Jun) – Posibleng malagay sa malaking panganib si actress-model Ruffa Gutterrez dahil sa pag-amin diumano nito na siya’y kasal sa isang Fil-Am sa Amerika bago nagpatali sa milyonaryong Turk na si Yilmas Bektaz.
Malaking kasalanan umano sa Islam ang pagpapakasal ni Ruffa -- Sharmaine Gutierrez sa tunay na buhay – kay Yilmaz bagamat naghiwalay na sila ng Fil-Am na si Richard Daloia.
Sa Las Vegas, U.S.A. ikinasal sina Ruffa at Richard noong 1999 at naghiwalay matapos ang isang taon. At nagpakasal naman si Ruffa kay Yikmas nuong 2003.
Bwal ito sa Islam at itinuturing na malaking kasalanan at kamatayan ang parusa -- posibleng pugutan ng ulo si Ruffa kung mapapatunayang nagkasala sa batas na naayon sa Islam -- ayon naman kay Ustadz Shariff Julabbi, isang Islamic scholar at maimpluwensyang Muslim sa Mindanao.
“Naku, malaking kasalanan iyan. At kung totoo ang lahat ng balita ukol sa dalawang kasalang naganap ay buhay ang kapalit niyan dahil bawal sa Islam na magpakasal ang isang babae ng dalawang beses unless na siya ay diboryada,” ani Ustadz Julabbi sa pahayagang Mindanao Examiner.
Maituturing diumanong bigamy ang naganap ng pakasalan ni Ruffa si Yilmas dahil legal pa umano ang kasal nito sa Fil-Am. Ayon sa ibang balita ay nitong taon lamang naihain diumano ni Ruffa ang divorce sa dating asawa sa U.S.A.
“Kung Muslim country ang Pilipinas na tulad ng Saudi Arabia, Iran o Iraq, o kaya ay Afghanistan ay siguradong pugot-ulo ang bagsak ni Ruffa,” wika ni Ustadz Julabbi, na graduate ng tanyag ng tanyag na Al-Adzhar Universirty sa Egypt.
Sinabi pa ni Ustadz Julabbi na bukod sa pugot-ulo sa mga babaeng nagkasala sa kanilang asawa ay puwede rin itong patawan ng parusang “public stoning” na kung saan ay igagapos ang babae at sa gitna ng malaking lugar ay doon ito babatuhin ng publiko hanggang sa mamatay.
Idinagdag pa ni Ustadz Julabbi, na dating spokesman ni Moro Islamic Liberation Front rebel chieftain Ustadz Salamat Hashim, na ang batas ng Islam ay pantay-pantay sa lahat ng Muslim mahging artista pa man o milyonaryo, lalaki man o babae.
“Ang batas ng Islam ay walang kinikilingan at lahat ng Muslim ay pantay-pantay sa mata ni Allah. Kung ang isa ay nagkasala ay dapat itong pagbayaran,” paliwanag pa nito. (Mindanao Examiner Showbiz Tsimis)
No comments:
Post a Comment