Sunday, June 03, 2007

Smart Bro, Inireklamo!

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 03 Jun) – Posibleng malagay sa iskandalo ang Smart Communications dahil sa pagbebenta nito ng mga personal computers na may tatak na Intel Pentium 4 processor sa kabila ng Celeron lamang ang gamit nito sa mga PC sa ilalim ng Smart Bro internet.

Inireklamo ang naturang PC dahil sa sobrang bagal nito. Kahit ikabit pa umano sa broadband o DSL connection ng PLDT at ibang Internet server ay wala rin epekto.

Unang inalok ng Smart Bro sa mga kliyente ay pawang mga IBM computers, subalit sa dakong huli ay tila “generic” na ang mga piyesa ng kanilang PC na ang pangalan ay “VIPER” at Samsung naman ang monitor.

Patuloy rin umanong isinasatabi ng mga customer service representatives nito ang maraming reklamo ukol sa nasabing mga computers.

Hindi naman mabatid kung alam ng Intel o kung may pahintulot ang Smart at ang supplier nito ng mga VIPER computers na gumamit ng sticker na may tatak “Intel Pentium 4” sa kanilang produkto kahit na Celeron ang processor ng mga ito.

Maging ang karton ng CPU ay may tatak rin P4 na sa uang tingin ay mapagkakamalang Pentium 4, subali’t “Made In China” naman ang nakatatak ditto.

Idudulog umano sa Department of Trade and Industry ang nasabing reklamo.

Ibinibenta ng Smart ang VIPER computer nito kasama ang Internet commection bilang package sa halagang halos P21,000 sa loob ng isang taon. (Mindanao Examiner)

No comments: