TAWI-TAWI (Mindanao Examiner / 17 Jun) – Mistulang mga private security guards ang puwersa ng militar sa katimugang bahagi ng bansa na kung saan ay todo ang pagbabantay ng mga sundalong Pinoy sa naglalaking international consortium na nagsasagawa ng oil exploration sa Sulu Sea.
Lingid sa kaalaman ng publiko ay abala ang mga tropa sa pagbabantay sa karagatan upang masiguro ang interest ng mga dayuhan bansa, tulad ng Australia at Amerika, sa nasabing oil exploration. Posibleng ito rin ang dahilan kung bakit nagtayo ng kampo ang mga sundalong Kano sa lalawigan ng Sulu.
Dapat sana ay siguridad ng lalawigan ng Tawi-Tawi at Sulu ang bantayan ng husto dahil sa banta ng terorismo.
Nagkataon naman na ang dalawang bansa ay tumutulong sa Pilipinas sa pakikibaka sa terorismo. Kamakailan lamang ay lumagda ang Australia ng isangs security cooperation pact sa pamahalaang Arroyo upang makapagsagawa ng joint anti-terrorism warfare training sa Mindanao.
Nuong nakaraang linggo ay katatapos lamang ng Amerika at ng Pilipinas ng bisang joint amphibious training sa Sulu Sea. Hindi naman mabatid kung may kinalaman sa oil exploration ang mga salaping tinatanggap ng pamahalaang Arroyo at ginagamit sa anti-terror training mula sa Australia at Amerika.
Ang oil exploration ay pinangungunahan ng Australian firm BHP Billiton Petroleum at kasama nito ang Unocal Corp. at Amerada Hess ng Amerika.
Halos 8,000 square meters sa Sulu Sea ang oil exploration nito.Maging ang Tap Oil Ltd ng Australia ay may 85% interest rin sa oil exploration project Sulu Sea.
Bukod sa Australia at Amerika ay may interest rin diumano sa Sulu Sea oil exploration ang United Kingdom at New Zealand at lahat ng bansang ito ay may malaking kontribusyon rin sa pakikibaka ng pamahalaang Arroyo sa terorismo sa katimugan.
Hindi naman agad mabatid kung may pahintulot ang oil exploration mula sa pamahalaang ng Tawi-Tawi. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment