Monday, July 02, 2007

Amnestiya Sa Mga Rebeldeng Grupo, Pinaboran Ng Defense Department!

MANILA (Mindanao Examiner / 02 Jul) – Pabor ang bagong liderato ng Department of National Defense (DND) sa ipinapanukalang paggawad ng amnestiya sa mga rebelde, kabilang ang mga nag-aklas na miyembro ng militar.
Ayon kay Defense officer-in-charge at National Security Adviser Norberto Gonzales, bahagi ng demokratikong proseso ang pagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde.
Ngunit, mahalaga aniyang mapag-aralan muna ito ng Kongreso at magpatibay ng batas hinggil sa nasabing hakbang.
Idinagdag pa ni Gonzales na kung plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ni House Speaker Jose de Venecia na ipursige ang amnestiya ay kailangang isagawa na ito sa lalong madaling panahon.
"It has to be studied as early as possible," ani Gonzales. Sinabi ng kalihim na nakahanda silang magbigay ng rekomendasyon hinggil sa naturang usapin. (Juley Reyes)

No comments: