MANILA (Mindanao Examiner / 26 Jul) – Agad na pinakilos kaninan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang lahat ng regional units nito upang maglatag ng kaukulang mga hakbang laban sa nakaambang nagtuyot, lalo na sa Luzon.
Ito'y kasunod na rin ng apela ng Pangulong Gloria Arroyo para sa pagtitipid ng tubig makaraang bumaba na sa kritikal na antas ang tubig sa mga pangunahing dam sa bansa.
Nabatid kay Office of the Civil Defense spokesman Dr. Anthony Golez na naglunsad na ng information drive para sa water conservation ang NDCC, gayundin ang tungkol sa global warming at pagbabago ng klima na dahilan ng pagtuyot. Magpapatuloy rin aniya ang cloud seeding operations, partikular sa bisinidad ng mga dam.
Ang pag-ulan na naranasan kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila ay epekto ng cloud seeding. Tinatayang mahigit sa P100,000 ang ginugol sa bawat cloud seeding operation.
Ang pag-ulan na naranasan kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila ay epekto ng cloud seeding. Tinatayang mahigit sa P100,000 ang ginugol sa bawat cloud seeding operation.
"We are telling the public not to panic. The NDCC will be proactive. The NDCC is preparing for an impending drought," ani Golez. "All government agencies are going to mobilize their resources to mitigate the effects of the drought," dagdag nito.
Bukod sa matagalang brown out tulad nang naranasan noong 1990s, maaaring magdulot rin ng red tide at outbreak ng mga sakit ang tagtuyot. "Three million people were affected by the drought in 1990s. The cost of damage amounted to billions," ayon sa tagapagsalita.
Kabilang sa mga lugar na direktang maaapektuhan ng tagtuyot ay ang Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon, ilang bahagi ng Metro Manila, Southern Luzon, at Bicol Region.
Ngunit taliwas naman ang sitwasyon sa Mindanao dahil halos bahain naman ang maraming lugar doon dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan. Baha na rin sa malaking bahagi ng Maguindanao at lubog sa tubig ang mga taniman at palayan doon.
Sa Zamboanga City ay binaha rin ang ilang lugar dahil sa malakas na pagulan kanina at kamakalawa. (Juley Reyes)

No comments:
Post a Comment