Ang magandang Sulu park sa harapan ng Kapitolyo sa gabi. Itong tanawin ay karaniwan sa lalawigan sa tuwing sasapit ang takip-silim at dito makikita ang maraming tao na nagpapahinga o kaya ay namamasyal. (Mindanao Examiner Photo Service)
Dalawang beses nakipagpulong si Gob. Sakur Tan ngayon buwan sa mahigit na 60 mga Ulama at religious leaders sa Sulu at doon ay isa-isang inilatag ng opisyal ang magandang plano nito sa lalawigan.
Pinakinggan rin ni Tan ang samut-saring mga suwestiyon ng mga Ulama ukol sa ibat-ibang bagay mula sa pagdaraos ng Ramadan hanggang sa aktibong pakikipagtulungan ng mga ito sa gobernador.
Sinabi rin ni Tan sa mga Ulama ang naipangakong tulong ni Pangulong Gloria Arroyo para sa Sulu na kung saan ay ipinag-utos nito sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa liderato ng lalawigan upang masimulan sa lalong madaling panahon ang development projects doon.
Maganda ang takbo sa kasalukuyan ng ekonomiya at siguridad ng Sulu mula ng muling maluklok si Tan bilang gobernador. Nais nitong mabago ang masamang imahen na nakadikit sa pangalan ng Sulu dahil mga maling balita na inilalabas sa telebisyon at pahayagan.
Umani naman si Tan ng maraming papuri mula sa ibat-ibang sector hindi lamang sa Sulu, kundi maging sa ibang bahagi ng bansa dahil sa maganda at mabilis na pagbabagong nakikita sa lalawigan.
Maging ang mga alkalde ng Sulu na noon ay madalas sa Zamboanga City at Maynila ay malimit na rin sa kanilang mga tanggapan. Nagbabala kasi si Tan na sususpindihin nito ang mga opisyal na madalas ay nasa ibang lugar o palaging absent sa kanilang tungkulin.
Kilalang masipag at matalino si Tan at dahil dito ay mas lalong naeengganyo ang mga ibang opisyal ng Sulu na pagbutihin ang kanilang tungkulin.
Nitong buwan lamang ay nagtungo rin si Tan sa isla ng Pangutaran upang pangunahan ang inagurasyon ng isang pagamutan. Maganadang ang nasabing ospital at mistulang modelo ito sa ibang mga bayan na pursigihin ang sarilong pagamutan.
Doon ay pinarangalan ng mga opisyal ng Pangutaran si Sulu Provincial Health Officer Dr Farrah Tan-Omar dahil rin sa kanyang kasipagan at pagiging modelong public servant at gayun rin ang ibat-ibang bumubuo sa Pangutaran District Hospital sa panunguna ni Dr Emelyn Bahjin Jalani at ang alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Ahmad Nano na todo ang suportang ibinibigay sa sa pagamutan. (Mindanao Examiner)
SULU - Todo ang suporta ng mga Ulama sa pamunuan ng Sulu upang maisulong ang panibagong pag-asa ng kapayapaan at kasaganagaan na matagal ng minimithi sa lalawigan.

No comments:
Post a Comment